Lalaki kinatay, itinapon sa creek
April 11, 2007 | 12:00am
Patay na nang matagpuan ang isang obrero na tadtad ng saksak sa buong katawan sa gilid ng isang creek kahapon ng madaling-araw sa Commonwealth, Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Raniel Dagohoy, 33, may-asawa at residente ng #28 San Pascual St., Unit 4, Brgy. Commonwealth.
Kasalukuyan namang nasa kustodya ng Quezon City Police-Station 10 ang mga suspek na sina Edwin Laurio, 43, may-asawa at si Rodolfo Malim, 31, at kapwa residente ng #226 Riverside Extension, Brgy. Commonwealth.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Dagohoy sa gilid ng isang creek sa naturang lugar na tadtad ng saksak sa buong katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon na sina Laurio at Malim ang huling nakasamang naglalakad ng biktima sa isang eskinita sa naturang lugar bago natagpuan ang bangkay nito sanhi upang arestuhin ng pulisya.
Sa kabila nito, wala namang makuhang testigo ang pulisya na nakakita sa pagpatay sa biktima na magdidiin sa mga suspek sa naturang krimen.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa mga suspek upang mapatunayan ang kanilang pagkakasala at mabatid ang motibo ng pamamaslang. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended