Pasaway na vendors di-uurungan
April 10, 2007 | 12:00am
Hindi tatantanan at uurungan ng Sidewalk Clearing Operations Group ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga pasaway na sidewalk vendors na pa balik-balik sa mga bangketa at lansangan kahit makailang beses na ang mga itong pinagbabawalan ng MMDA.
Ayon kay MMDA General Manager Robert C. Nacianceno, hindi sila mangingiming balikan at muling itaboy ang mga illegal vendors na umaangkin sa lansangan at bangketa, partikular na sa mga lugar na itinuturing na "investors route".
Sinabi ni Nacianceno na handa ang kanilang mga tauhan sa anumang karahasan na igaganti sa kanila ng mga vendors, tulad na lamang ng naganap na kaguluhan sa kanilang isinagawang clearing operation sa Alabang viaduct sa Muntinlupa City bago mag-Semana Santa kung saan pinaulanan ng bato ang mga miyembro ng SCOG. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended