Malubhang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktima na nakilalang si Rey Herman, may sapat na gulang, ng Barangay Catmon, ng nabanggit na lungsod, at nagtamo ito ng saksak sa katawan buhat sa isang patalim.
Tumakas naman agad ang suspek na si Gilbert Aurelio, 45, ng 242 Hernandez St., ng nabanggit na barangay.
Lumalabas sa imbestigasyon na, nang mapadaan si Herman sa nag-iinumang grupong kinabibilangan ni Aurelio sa Dulong Hernandez St., tinawag siya ng huli at inalok ng alak. Tumanggi ang biktima kaya nagalit ang suspek at sinaksak ang una. (Lordeth Bonilla)