^

Metro

Illegal recruiter nalambat

-
Isang babaeng hinihinalang miyembro ng illegal recruitment syndicate ang inaresto ng mga tauhan ng Aviation Security Group makaraang ituro siya ng isa niyang biktima habang nasa Ninoy Aquino International Airport kamakalawa ng gabi.

Posibleng maharap sa kasong estafa at illegal recruitment ang suspek na si Teresita Boiser, 39, may asawa, nagpapakilalang ahente ng Six C’s Overseas Marketing at residente ng Sampaloc, Manila.

Nakapiit si Boiser sa selda ng ASG habang isinusulat ito at naghihintay na masampahan ng kaso.

Inaresto si Boiser habang nasa loob siya ng paliparan batay sa reklamo ni Jay Puapo, 25, binata, ng Isabela.

Sinabi ni Puapo na kinuhanan siya ng suspek ng halagang P45,000 dalawang buwan na ang nakakalipas kapalit ng pagpoproseso ng kanyang mga papeles papuntang Dubai.

Pagkaraan naman ng dalawang linggo ay nagtungo siya sa tanggapan ng nabanggit na ahensya para i-follow up ang kanyang aplikasyon pero pinabalik-balik lang siya rito.

Noong Abril 8, nangako ang suspek na ibibigay ang tiket ng biktima at magkikita sila sa NAIA pero hindi nagpakita ang una.

Dahil dito, nagpatulong na ang biktima sa ASG para madakip ang suspek.

Samantala, naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang babaeng Intsik at anak nito sa NAIA habang palabas sana ng bansa gamit ang Singaporean passport.

Ayon kay BI Acting Commissioner Roy Almoro, si Lee Hwa, 40, at anak nitong si James Tan, 18, ay kasalukuyang pinipigil sa Bicutan immigration jail habang inaapura na ang proseso ng deportasyon laban sa kanila.

Ang tangkang pagpuslit sa bansa ng mag-ina ang huling serye ng pagkaaresto ng mga dayuhan sa NAIA na bahagi ng operasyon ng human trafficking kung saan ginagamit ang Maynila bilang transit point patungong Estados Unidos at Europa.

Ang mag-ina ay dinakip sa NAIA-2 Centennial Terminal matapos na pababain sila ng Philippine Airlines na may biyaheng Guam.

Sa rekord ng BI, dumating ang mag-ina sa bansa noong Oktubre 10 subalit hindi matagpuan sa computerized data-base files ng BI ang kanilang ulat ng biyahe.

Lumitaw na ang immigration arrival stamps sa pasaporte ng mag-ina ay dinaya makaraang makumpirma na ang numero ng stamp ay wala sa talaan na inisyu ng BI.

Hindi makapagsalita ng English ang mag-ina at bihasa lamang sila sa pagsasalita ng Mandarin. Nabigo rin ang dalawa na maglabas ng kanilang Singapore identity cards at ng kanilang tinitirhan sa nasabing bansa. (Ellen Fernando at Rudy Andal)

ACTING COMMISSIONER ROY ALMORO

AVIATION SECURITY GROUP

BOISER

BUREAU OF IMMIGRATION

CENTENNIAL TERMINAL

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JAMES TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with