Obrero binurda ng saksak
April 9, 2007 | 12:00am
Isang 30-anyos na lasing na construction worker ang sinaksak ng kasamahan ng isang tricycle driver matapos hindi magbayad ng pamasahe kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nasa kritikal na kondisyon at nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong isang malalim na saksak sa leeg at kaliwang bahagi ng kanyang katawan ang biktimang si Nestor Balanoba ng Bankers Village ng nabanggit na lungsod.
Nakakulong naman ang suspek na si William Lopez, 25, ng Pangarap Village sa Caloocan City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nakasakay si Balanoba sa traysikel na minamaneho ng isang Roberto Dayanan habang bumibiyahe ito sa Bankers Village II. Nasa likod ng driver si Lopez.
Pero, nang bumaba na ang biktima, tumanggi itong magbayad ng pasahe na dahilan para magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at magpambuno at nasaksak ni Lopez ang biktima. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest