Kelot sinalvage sa droga?

Droga ang hinihinalang dahilan sa pagkakapaslang sa isang hindi pa kilalang lalaki na binaril ng ilang beses sa mukha kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang biktima ay nasa edad na 30 hanggang 36 may taas na 5’6’’-5’7’’, balingkinitan ang katawan nakasuot ng puting sando at khaki short, may tattoong Commando sa gilid ng katawan at Edwin naman sa kanyang kaliwang binti.

Sa ulat, naganap ang insidente ng pamamaril dakong alas-6:45 ng gabi sa San Sebastian II, Nagpayong,Brgy. Pinagbuhatan ng nabangit na lungsod. (Edwin Balasa)

Show comments