Pamumutakti ng partylist pinalagan
April 9, 2007 | 12:00am
Umangal at pumalag na ang commercial, industrial at business sectors ng Makati City sa tila "kabute" at biglang pagdami ng iba’t ibang partylist groups na naghahangad na makapuwesto sa Kongreso kahit pa man hindi kabilang umano ang mga ito sa "marginalized sector".
Kaugnay nito, binatikos kahapon ng Federation of Philippine Industries ang ilang nagsulputang partylist na anila ay mayayaman at "sugo" ng mga may kapangyarihan na ang layunin lamang ay isulong ang sarili nilang interes at hindi umano ang interes ng grupong kanilang kinakatawan.
Ayon naman sa pahayag kahapon ni Jess Arranza, presidente ng FPI, naging "maluwag" umano si Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos nang ihayag nitong hindi na kailangan pang suriin at imbestigahan ang mga nominees ng bawat partylist dahil hindi naman sila ang talagang iboboto kundi ang kanila namang partido.
Sinabi ni Arranza na dahil sa naturang pahayag ni Abalos ay malinaw na pinapaburan umano ng huli ang kanyang kapatid na isang doktor na tumatakbo bilang kinatawan ng mga tricycle driver sa Kongreso. (Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended