^

Metro

Barangay captain itinumba

-
Isang barangay chairman ang namatay habang sugatan ang isa niyang kasamahan nang pagbabarilin sila ng naka-motorsiklong mga salarin sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa leeg at likod bago maipasok sa UST Hospital ang biktimang si Marcelo Santos, 61, kapitan ng Barangay 461 at residente ng F. Valencia St., Sampaloc.

Nilalapatan naman ng lunas ang sugatang kasamahan niya na si Rolando Caleon, 56, sapatero at residente rin sa naturang lugar.

Agad na tumakas ang tatlong suspek na lulan ng pulang Honda XRM na motorsiklo.

Naglilinis umano ng tricycle na pang-service sa barangay sina Santos at Caleon nang bigla siyang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Sinisiyasat ng pulisya kung alitan lang sa barangay o pulitika ang motibo ng krimen pero tinitignan din ng mga imbestigador ng Manila Police District ang iringan nina Santos at ng operator ng RCJ Bus Company na ang mga pampasaherong sasakyan ay bumibiyahe sa rutang Manila-Ilocos.

Nasa likod lang ng barangay hall ni Santos ang bus terminal ng naturang kumpanya.

Nabatid na ang naturang kumpanya ay pag-aari ng isang anak ni dating Col. Rolando Abadilla, dating hepe ng military intelligence service group noong panahon ng rehimeng Marcos.

Pero kinukuwestyon ni Santos kung bakit sa ibang barangay humihingi ng permit ang kumpanya at hindi sa kanyang barangay. (Ludy Bermudo)

BARANGAY

BINAWIAN

BUS COMPANY

CALEON

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MARCELO SANTOS

ROLANDO ABADILLA

ROLANDO CALEON

VALENCIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with