Swindler arestado
April 8, 2007 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Airport Police Department-PIID ang isang umano’y swindler sa Ninoy Aquino International Airport matapos siyang mamukhaan ng mga awtoridad sa paliparan kahapoin.
Kinilala ni Capt. Alden Gay, hepe ng APD-PIID, ang suspek na si Henry Japay Guiterrez, ng North Fairview, Quezon City. Ang mga biniktima nito ay nakilalang sina Allan Galve at Felipe Esguerra, taxi driver ng Rechell na may plate number PXA-749.
Nabatid na nag-aabang si Guiterrez sa mga ticketing offices sa Caloocan ng bibiktimahin bago magpapakilalang isang seaman na bagong dating sa bansa at hihimukin ang biktima na samahan siya na makuha ang kanyang bagahe sa paliparan na naiwan daw niya sa pagmamadali.
Pagdating sa NAIA, bobolahin niya ang biktima na wala siyang peso kundi dollar ang dala niya kaya hihiramin kunwari ng suspek ang dalang pera ng bibiktimahin. Kapag naibigay ang pera ng biktima ay hindi na ito babalik sa usapan nilang lugar. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended