Bakanteng lote target ng MMDA
April 8, 2007 | 12:00am
Papasukin na rin at lilinisin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga bakanteng lote sa Metro Manila upang hindi ito gawing tambakan ng basura, taguan ng mga magnanakaw, snatchers, pamugaran at gawing tambayan ng mga durugista.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani F. Fernando kamakailan na kahit walang permiso mula sa mga may-ari, ay makikipag-ugnayan na lamang ang kanyang tanggapan sa mga barangay officials na kinasasakupan ng mga bakanteng lote para mapasok at malinis ang mga nakatiwangwang na lupa, may bakod man o wala.
Nabatid na maraming bakanteng lote ang naabandona sanhi ng kawalan ng mag-aasikaso at ang malimit na dahilan ay nasa ibang bansa ang mga nagmamay-ari nito.
Dahil dito, pinapasok at pinamumugaran ang mga ito ng masasamang elemento sa lipunan at kadalasang pinagdadausan ng pot session ng mga drug users na pinangangambahan pang maging lugar ng krimen kung mapababayaan.
Bahagi rin ng "Me tro Guwapo" na linisin maging ang mga pribadong lote kaya iikutan ito ng MMDA para ayusin at hindi katakutan ng mga residente sa lugar.
Kapag nalinis ng MMDA ang mga bakanteng lote na walang nagbabantay, aabisuhan ng ahensiya ang barangay upang siyang magsilbing "look-out" para hindi gawing istambayan ng kabataan.
Ipagbabawal na rin ng MMDA na gawing tambakan at tapunan ng basura ang mga bakanteng lote para maiwasan na magkaroon ng masangsang at mabahong amoy ang paligid.
Gayundin, pananagutin ng MMDA ang mga barangay officials na mangungunsinti at magbibigay ng basbas para gawing pot session o sugalan at sabungan ang mga bakanteng lote. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended