^

Metro

Sarhento todas sa 3 holdaper

-
Patay ang isang 38-anyos na miyembro ng Philippine Army nang pagbabarilin ng tatlong di nakikilalang mga suspek na nangholdap sa isang trucking company at sumikwat pa ng motorsiklo ng isang lalaki sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si S/SGT Ruel Papa-an, may-asawa, nakatalaga sa 3rd Community Development Company, Civil Military Operations Batallion. Ayon sa pulisya, unang tinangay ng mga suspek bandang alas-4:00 ng hapon kamakalawa ang motorsiklo ni Axel delos Santos sa Tondo, Manila.

Kasunod nito, hinoldap ng mga suspek ang staff ng Bonanza Trucking na si Rodolfo Sevilla at tinangay ang dala nitong P44,647 na pangsuweldo sana sa mga empleyado ng naturang kumpanya.

Namataan naman umano ng biktima na nakatayo sa tabi ng kanilang service vehicle ang nagaganap na komosyon sa pagitan ni Sevilla at mga suspect.

Dahil dito, rumesponde ang sundalo subalit sa kasawiang-palad ay siya ang pinagbalingan ng mga suspect at kaagad na binaril. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BONANZA TRUCKING

CIVIL MILITARY OPERATIONS BATALLION

COMMUNITY DEVELOPMENT COMPANY

DAHIL

DORIS FRANCHE

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

PHILIPPINE ARMY

RODOLFO SEVILLA

RUEL PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with