Edukasyon Pabahay sa Maynila prayoridad

Edukasyon at libreng pabahay ang pangunahing nasa talaan ng mga tutugunan ni Maria Jimenez, kapatid ni dating Congressman Mark Jimenez, sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila.

Sinabi ni Jimenez sa isang panayam na ang edukasyon at pabahay ang siyang dapat na ibigay sa mga mahihirap upang magkaroon ng pagkakataon na makipagkompetisyon sa mga mayayamang pamilya.

Samantala, patuloy na pinapasaya ni Jimenez ang mga batang mahihirap sa pamamagitan ng pagpapakain ng libre sa mga ito sa mga sangay ng Jollibee sa lunsod.

Nais ni Maria Jimenez na mabigyang kasiyahan ang mga kapus-palad na mga bata na hirap ipasyal at dalhin sa Jollibee ng kanilang mga magulang sanhi ng kakarampot nilang suweldo at sa kahirapan ng buhay.

Ayon naman kay Marie Brillantes, tumatakbong konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila, inaalam na nila ang mga kakulangan ng mga pamilya sa kanyang nasasakupan.

Umaasa si Brillantes na sa tulong ng kanyang mga kapartido at ng mga residente sa ikatlong distrito ay madali nilang masolusyunan ang mga problema. (Doris Franche)

Show comments