Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na suspendido ang number coding sa April 5, 6, 7, 8, at 9.
Ipinaliwanag niya na awtomatikong suspendido ang color coding sa araw ng holiday tulad ng Abril 9.
Sa naturang suspensiyon, maaaring magamit ng mga motorista ang kanilang sasakyan sa pagtungo sa kanilang mga probinsiya .
Nabatid kay MMDA Traffic Operations Center (TOC) Executive Director Angelito Vergel de Dios na walang bakasyon ang mga traffic enforcers dahil sa kabila ng holiday ay obligado ang mga ito na tumupad sa kanilang tunkulin upang mamantina ang daloy sa trapiko.
Sinabi pa ni De Dios na maluwag ang mga kalsada maliban lamang sa mga lansangan patungo sa mga bus terminals. (Rose Tesoro)