^

Metro

Color coding suspendido

-
Sinuspinde ng Metro Manila Development Authority nang limang araw ang number coding scheme o Unified Vehicular Volume Reduction Program ngayong Mahal na Araw.

Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na suspendido ang number coding sa April 5, 6, 7, 8, at 9.

Ipinaliwanag niya na awtomatikong suspendido ang color coding sa araw ng holiday tulad ng Abril 9.

Sa naturang suspensiyon, maaaring magamit ng mga motorista ang kanilang sasakyan sa pagtungo sa kanilang mga probinsiya .

Nabatid kay MMDA Traffic Operations Center (TOC) Executive Director Angelito Vergel de Dios na walang bakasyon ang mga traffic enforcers dahil sa kabila ng holiday ay obligado ang mga ito na tumupad sa kanilang tunkulin upang mamantina ang daloy sa trapiko.

Sinabi pa ni De Dios na maluwag ang mga kalsada maliban lamang sa mga lansangan patungo sa mga bus terminals. (Rose Tesoro)

ABRIL

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DE DIOS

EXECUTIVE DIRECTOR ANGELITO VERGEL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROSE TESORO

SINABI

TRAFFIC OPERATIONS CENTER

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with