Binaligtad ng CA sa pamamagitan ng 14 na pahinang desisyong isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao ang naunang hatol ng Makati Regional Trial Court na nagdidismis sa kasong isinampa ni Dolora Angeles at mister nitong si Ricardo laban sa pamahalaang-lokal ng Makati.
Sinabi ng CA na dapat magbayad ng P40,000 na moral at exemplary damages at P899.25 na actual damage ang Makati government sa mag-asawa dahil sa negligence ng city government sa open-manhole.
Sinabi ng CA na may kapabayaan umano ang alkalde, city engineer, city health officer at city treasurer ng Makati batay sa mga ebidensyang ipinalabas ng mga biktima. Lumilitaw sa rekord ng korte na naglalakad si Dolora sa kanto ng Evangelista at Bonifacio Sts. sa Bangkal nang mahulog siya sa isang open manhole doon makaraang iwasan niyanng mabundol ng isang sasakyan.
Nagtamo ng mga sugat sa binti at siko si Dolora kaya nagtungo ito sa ospital at ilang buwan ding hindi nakapagtrabaho dahil sa tinamong mga sugat sa katawan. (Rudy Andal)