^

Metro

Bata kritikal sa pamamaril ng Tsinoy

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon sa ospital ang isang 13-anyos na batang lalaki makaraang barilin umano ng isang negosyanteng Tsinoy kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ginagamot ngayon sa National Orthopedic Hospital ang biktimang si Naps Anthony Bistal, elementary student, ng Tagaytay St., Caloocan City.

Hawak naman ng Quezon City Police District-Station 1 ang 62-anyos na suspect na si Juanito Go, ng #58 Tindido St., San Jose del Monte, Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Eugene Almario, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa tapat ng bodega na pag-aari ni Go sa may San Jose del Monte, ng naturang lungsod.

Isang putok ang pumailanlang sa naturang lugar kung saan rumesponde ang mga kagawad ng barangay at sinaklolohan ang sugatang bata na tinamaan ng bala sa kanyang kaliwang hita. Agad din namang dinakip si Go na siyang nakitang namaril sa biktima.

Sa loob ng istasyon, ikinatwiran ni Go na pinagnanakawan umano siya ng bata ng piyesa na "transmission gear" na kanyang paninda. Matigas naman ang pagtanggi nito na hindi niya binaril ang biktima bagkus ay sinita lamang niya. (Danilo Garcia)

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

EUGENE ALMARIO

JUANITO GO

NAPS ANTHONY BISTAL

NATIONAL ORTHOPEDIC HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SAN JOSE

TAGAYTAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with