^

Metro

HELPS inilatag sa Parañaque

-
Pormal nang inihayag kahapon ni Parañaque City Mayor Florencio Berrnabe, Jr. ang kanyang mga plataporma para sa darating na halalan na may acronym na HELPS na tumutukoy sa Health, Education, Livelihood, Peace and Order and Sports at Social Services.

Kasabay nito ipinakilala din niya ang kanyang slate na kinabibilangan ni movie star Anjo Yllana bilang kanyang bise-alkalde at Ed Zialcita bilang congressman sa unang distrito. Ang tatlo ay pawang mga incumbents.

Plano din ng mayor na ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto na nasimulan tulad ng dept reduction, garbage collection, segregation at disposal, increased tax collection, medical care improvement, jail modernization, roads repair, road lighting at iba.

Si Bernabe ay naging Outstanding City Mayor sa bansa noong 2006 na ipinagkaloob ng Local Governmemt Leadership Award. Binigyan din siya ng 2006 Citation for Fiscal Management ng Phil. Chamber of Commerce and Industry. Ang International Alliance for Healthy Cities ang nagbigay sa Parañaque City sa ilalim ng administrasyon ni Bernabe ng Parañaque Award for Progress of Healthy Cities with Great Potential.

ANG INTERNATIONAL ALLIANCE

ANJO YLLANA

CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

CITY MAYOR FLORENCIO BERRNABE

ED ZIALCITA

FISCAL MANAGEMENT

GREAT POTENTIAL

HEALTHY CITIES

LOCAL GOVERNMEMT LEADERSHIP AWARD

OUTSTANDING CITY MAYOR

PEACE AND ORDER AND SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with