Iginiit naman ni Puno na hindi pa umano ligtas si Abarsoza dahil nasa ilalim pa ito ng imbestigasyon sa pamumuno ni PNP Deputy Director General Avelino Razon na naatasan na busisiin ang mga kapabayaan ng pulisya sa 10-oras na pangho-hostage ni Armando "Jun" Ducat sa may Lawton, Maynila.
Hindi naman nakaligtas sa pagkatanggal sa puwesto bilang hepe ng MPD Station 5 (Ermita) si Supt. Rogelio Rosales at ang commander ng Lawton police community precinct na si Chief Insp. Bernardo Cubacub.
Ito’y matapos na umapela si PNP chief Direcror Gen. Oscar Calderon dahil umano nasa kalagitnaan sila ng panahon ng eleksyon at maging si Abarsoza ay nasa gitna din ng pagpapatupad ng security measures sa Maynila upang maging mapayapa ang darating na halalan.
Gayundin binanggit ni Calderon na mabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Abarzosa.
Nilinaw din ni Calderon na hindi naman nito hinihiling na huwag isama si Abarzosa sa sisibakin ang hinihingi umano nito ay ang bigyan pa ng sapat na oras ang opisyal upang paghandaan ang eksplanasyon nito. Aminado si Calderon na nagkaroon ng lapses sa naganap na pagkontrol ng pulisya sa sitwasyon.
Mananatili naman ang administrative relief kina Supt. Rogelio Rosales, hepe ng Station 5 at Lawton Precinct commander Chief Inspector Bernardo Cabacug.
Matatandaang ang tatlo ay ipinasibak kamakalawa ni Puno matapos na madismaya ang kalihim sa naganap na hostage crisis kahit pa maayos na naresolba ito at nalagay na naman sa kahihiyan ang bansa sa international community.
Samantala, hindi rin sinang-ayunan ni Manila Mayor Lito Atienza ang pagsibak kina Abarzosa at kasabay nito’y pinapurihan pa niya ang PNP at ang Manila Police District dahil sa matagumpay na paghawak sa hostage crisis.
Gayunman, inatasan din ni Mayor Atienza si Abarzosa na agad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa hostage drama kung ito nga ay ginawa para ipahiya ang local at national government.
Sa mga isyung ipinahayag ni Ducat ang lahat ng ito ay tumutukoy sa usapin sa pulitika kaya hindi malayong may mga politikong sangkot dito. (Edwin Balasa at Danilo Garcia)