^

Metro

‘Bayani si Sir Ducat’

- Doris Franche-Borja -
Igigiit ng mga magulang ng mga batang hinostage ni Armando "Jun" Ducat sa mga awtoridad ang pagpapalaya sa naturang hostage-taker ng kanilang mga anak na binansagan pa nga nilang "Bayani ng mga taga-Parola".

Ayon sa mga magulang ng may 26 anak na batang hinostage ng may sampung oras ni Ducat at kasamahan nitong si Cesar Carbonell na napagkasunduan nilang huwag sampahan ng anumang kaso si Ducat sa kabila nang nangyari dahil umano sa nagawa lamang ito ng tinuturing nilang bayani para sa kapakanan din ng kanilang mga anak.

Gayunman, sakali umanong hindi magharap ng kaso ang mga magulang ng mga bata, mismong ang mga tauhan ng pulisya ang maghaharap ng kasong illegal detention at illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Comelec gun ban.

"Igigiit namin na mapalaya si Sir Ducat. Nais naming mapalabas siya ng jail," pahayag ni Helen Cabunayan, na ang anak niyang babae ay isa sa hinostage ni Ducat.

"Marami kaming dapat tanawing utang na loob sa kanya. Binigyan niya ng libreng edukasyon ang aming mga anak, hanggang sa makakain at damit, nandiyan lang siya palagi para kami tulungan," ayon pa sa isang ina na si Rosita Osita.

Si Ducat na isang negosyante at philanthropist ay nakapagpatapos na ng may 145 mag-aaral sa pag-aari nitong Musmos Day Care Center.

Pangunahin niyang demand sa ginawa niyang pangho-hostage ay ang magkaroon ng katiyakan na makapagtatapos sa pag-aaral ang may 145 bata hanggang sa kolehiyo na marami naman ang tumugon dito.

Binatikos din nito sa naturang hostage-taking ang lumalaganap na korapsyon sa pamahalaan at ang pagsasamantala ng mga ganid na politiko sa kahinaan ng mga mahihirap. Edukasyon at pabahay ay kanyang patuloy na isinisigaw.

ARMANDO

CESAR CARBONELL

HELEN CABUNAYAN

IGIGIIT

MUSMOS DAY CARE CENTER

ROSITA OSITA

SI DUCAT

SIR DUCAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with