Police asset itinumba
March 28, 2007 | 12:00am
Patay ang isang 26-anyos na lalaki na pi naniniwalaang police asset matapos pagbabarilin ng may 6-katao habang naglalakad patungo sa bahay ng isang kamag-anak kahapon ng umaga sa Port Area, Manila.
Nakilala ang biktima na si Joel Austria, ng Valderama Village, Quezon City matapos na magtamo ng 10 tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa 6 na suspect na tumakas matapos ang pagpatay.
Ayon sa ulat, dakong 11:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Blk. 23 Bagong Lupa, Port Area, Manila.
Hinahanap din ang kasama ng biktima na bigla na lamang nawala matapos ang insidente.
Isa umanong police informer ang biktima at hinala nito na nakilala siya ng kanyang mga "isinasabit" kaya tuluyan na siyang pinatahimik.
Nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa iba pang motibo sa pagpaslang. (Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended