^

Metro

Pool champion Ronato Alcano kinasuhan ng anak

- Ni Angie dela Cruz -
Sinampahan ng kaso kahapon sa Quezon City Prosecutors’ Office si Double World Pool Champion Ronato "Volcano" Alcano hinggil ng umano’y pangmomolestiya nito sa kanyang 14-anyos na anak noong nakaraang taon.

Nabatid na si Alcano ay ipinagharap ng anak nitong si Dina (hindi tunay na pangalan), ng Legaspi Village, Makati City, ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law) at Republic Act 9262 o (Anti-Violence against Women and Their Children).

Sa anim na pahinang complaint affidavit ng biktima, ang insidente ay naganap noong Nobyembre 24 at 25, at ang panghuli ay noong unang linggo ng Disyembre, 2006 sa bahay ni Alcano sa #96 Oxford St., Cubao, Quezon City.

Nakasaad sa reklamo ni Dina na nag-ugat ang usapin matapos siyang sunduin ng kanyang ama sa kanilang bahay sa Makati.

Aniya, wala sa bahay ni Alcano si Gwendolyn ang ikatlong ka-live-in nito nang maganap ang unang insidente kung saan pinaghihipuan umano ng nasabing pool champion ang kanyang kaselanan. Ang insidente ay nasundan pa sa nasabi ring lugar noong Nobyembre 25.

Ang panghuling insidente naganap noong unang linggo ng Disyembre ng naturang taon kung kaya’t agad na nitong isinumbong sa kanyang inang si Girlie Cerbatos-Alcano na noo’y nagtatrabaho sa Dubai.

Kahit hindi pa natapos ang kanyang kontrata ay napilitang umuwi sa bansa ang ina ng biktima noong Enero 4, 2006 kung saan agad na sinamahan ang anak sa Women’s Crisis and Child Protection Center sa Camp Crame kung saan isinailalim sa medico-legal examinations ang biktima.

Matatandaang pinarangalan ni Pangulong Arroyo si Alcano matapos mahablot ang World 9-Ball crown sa Pilipinas noong Nobyembre, 2006.

ALCANO

CAMP CRAME

CHILD ABUSE LAW

CRISIS AND CHILD PROTECTION CENTER

DINA

NOBYEMBRE

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with