^

Metro

Iniwan ng bf, dalaga nagbigti

-
Dala ng sama ng loob at kalungkutan, nagbigti ang isang 29-anyos na dalaga matapos iwanan ng kanyang kasintahan kamakalawa ng gabi sa Sampaloc,Maynila.

Patay na bago pa man idating sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Marieta Roque, ng 646 Altura St., Sampaloc matapos iwanan ng kanyang boyfriend na umalis patungong Taiwan nang hindi man lamang nagpaalam sa kanya.

Ayon sa ulat, dakong 11:45 ng gabi nang madiskubre ng kanyang pamangkin ang biktima na nakabigti gamit ang isang kumot sa 2nd floor ng kanilang bahay.

Naniniwala naman ang mga kaanak ng nasawing biktima na hindi nakayanan nito ang pag-iwan sa kanya ng kanyang boyfriend matapos na umalis ito.

Bagama’t wala namang nakitang bakas na pinahirapan ang biktima maliban sa bakas ng tali sa leeg, inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Doris Franche)

vuukle comment

ALTURA ST.

AYON

BAGAMA

DALA

DORIS FRANCHE

MARIETA ROQUE

MAYNILA

NANINIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with