Sa report ni PAGC chairwoman Constancia de Guzman si Carolina Herradura, Procurement and Logistics Service director ay tinanggal sa serbisyo matapos na mabunyag ang nasabing katiwalian.
Ang reklamo laban kay Heradura ay isinumite ng DOH Executive Committee noong Agosto 2006 kung saan noong 2004 ay una nang ibinunyag ng apat na kongresista na nabigong ipamigay ng DOH ang milyong halaga ng OPV vials.
Bukod sa pagsibak sa serbisyo, kinakansela rin ang kanyang eligibility, forfeiture ng mga credit at retirement benefits maging ang diskuwalipikasyon nito na manungkulan sa anumang tanggapan.
Ayon sa report, tungkulin ni Herradura na tiyakin ang mga vials na nakatago sa DOH warehouse sa Quirino Memorial Medical Center ay nananatiling maayos at mapakikinabangan pa rin.
Aniya, napatunayan umano ang kapabayaan bunsod na rin ng "discoloration" ng vials na nagresulta upang itapon na lamang ang mga ito.
Napag-alamam na ang mga vaccine ay bahagi ng may 578,600 vials o doses ng OPV na binili ng DOH na utang mula naman sa World Bank sa halagang $1,186,130.00. (Doris M. Franche)