^

Metro

Local bets ratsada na

-
Pinangunahan ni frontrunner Mayoralty bet Arnold "Ali" Atienza ang mga opisyal na kandidato ng "Buhayin ang Maynila" ticket sa paghahain nila ng certificates of candidacy (CoC) sa Comelec, kahapon ng umaga.

Sa isang maiksing programa na ginanap sa Bonifacio Shrine sa tabi ng city hall, 44 local administration candidates (mula Mayor, Vice-Mayor, Congressman at Councilors sa anim na distrito ng Maynila) ang prinisinta ni Manila Mayor Lito Atienza sa harap ng kanilang mga supporters para sa pagpapatuloy ng Buhayin ang Maynila urban renewal at development program ng Ali Atienza-led ticket.

Naghain na rin ng kanilang CoC sina Senator Fred Lim at Rep. Rudy Bacani para rin tumakbong Mayor sa Maynila

Sinabi ni Atty. Roselio Ramon ng Comelec na sa tatlo, si Atienza pa lamang ang may kumpletong line-up mula pagka-kongresista hanggang sa mga konsehal sa anim na distrito ng Maynila. Kasama ni Atienza na nag-file ng CoC ang kanyang running mate na si Don Bagatsing sa ilalim ng partido Liberal.

Prayoridad ni Atienza ang maipagpatuloy ang programa ng kanyang ama na si Mayor Lito Atienza ang "Buhayin ang Maynila.

Peace and order naman ang bibigyang pansin ni Sen Lim. si Rep. Joey Hizon na una na ring nagdeklara na tatakbo sa pagka-Alkalde ay magbibise na lamang kay Lim.

Nagharap na rin ng CoC si Rep. Rudy Bacani kasama ang running mate nito na si dating councilor Grepor Belgica sa ilalim naman ng partidong LP-Drilon wing.

Samantala, sa kabila na may dismiss order sa tanggapan ng Ombudsman nagsampa pa rin kahapon ng kanyang CoC ang nadismis na Mayor ng Pasay City na si Peewee Trinidad para sa pagka-Alkalde ng lunsod kahapon ng umaga.

Sa kanyang panig, sinabi ni Trinidad na nag-file siya ng kandidatura dahil sa pinanghahawakan niya ang pahayag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na ang kaso niya ay di pa final and executory kaya’t malabo pa umano ito.

Sinasabi naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na final and executory na ang kaso nina Peewee kaya nga’t ang mga ito ay nadismis sa tungkulin.Binigyang diin ni Trinidad na layunin din anya ng kanyang pagpa -file ng candidacy ay upang maipagpatuloy niya ang laban at maipagpatuloy din ang pagseserbisyo sa mga taga Pasay. (Gemma Amargo-Garcia at Angie dela Cruz)

ALI ATIENZA

ALKALDE

ATIENZA

BONIFACIO SHRINE

BUHAYIN

MAYNILA

RUDY BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with