Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Lito Sanico, 40, ng #236 Primero de Mayo St. Pasay City sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Samantala mabilis naman tumakas ang suspect na nakilalang si Ronie Quinones, alyas " Buboy Liit", 25, ng no. 284 Luciano Compound Primero de Mayo nang nasabing Lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Primero St. at sa pagitan ng Taft Avenue P. Villanueva St. ng nasabing Lungsod.
Ayon sa saksing si Richie Dejocos, 33, nakatira sa nabanggit na lugar, nag-iinom sa kalye ang suspect habang naglalakad naman ang biktima pauwi sa kanyang bahay nang bigla na lamang undayan ng paulit-ulit na saksak sa likod at katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na sinasabing dating karelasyon ng suspect ang isang nagngangalang "Jopay", 17, na nagseselos ito sa una dahil pinatulan ng babae ang biktima na may edad na at may asawa pa kayat sa galit ng huli ay pinatay nito ang biktima. (Angie dela Cruz)