Pulis todas sa hired killer
March 27, 2007 | 12:00am
Patay ang isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) at presidente din ng Homeowners Association sa kanilang lugar makaraang malapitan itong barilin ng pinaniniwalaang hired killer sa harapan ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Kinilala ang nasawing biktima na si PO3 Faustino de Guia 33, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at residente ng Blk 18, Lot 5 Ubas St., Mangga Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod.
Ayon kay PO2 Rolando Lipata, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang nagpapahangin ang biktima kasama ang pamangkin sa harapan ng kanilang bahay.
Lingid sa kaalaman nito ay lumapit sa likurang bahagi ng biktima ang isa sa suspect habang ang isa ay nagsilbing look-out at malapitang binaril ito sa ulo ng ilang ulit. Sinundan pa ito ng sunud-sunod na pagbaril sa katawan.
Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspect patungo sa hindi mabatid na lugar.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyong bala ng kalibre .45 baril at isang cellphone ng 6610 na pag-aari ng biktima. Kasalukuyang nagsasagawa na masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang paglutas ng kaso. Inaalam pa rin kung ano ang motibo sa isinagawang krimen. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am