Nabugbog sa titigan
March 26, 2007 | 12:00am
Isang kagawad ng Marines na si Robert Elarde, 36, at kasama nitong si Ronald Pardines, 36, ang inaresto ng pulisya at nahaharap sa iba’t ibang kaso dahil sa umano’y pambubugbog nila sa magkakasamang sina Alfredo Santiago, 36, isang government employee; Warren Pasilaban, 27; at Lamberto Lopez, 44, sa Camarin, Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Lumilitaw sa imbestigasyon na nagkainitan ang magkabilang panig nang magkasalubong at magkatitigan sila sa paglalakad sa naturang lugar. (Lordeth Bonilla)
2 usisero sugatan sa riot
Sugatan nang tamaan ng ligaw na bala ng baril sina Melvin Remis, 25, at kapatid niyang si Dandreb, 17, habang nag-uusyuso sila sa rambulan ng dalawang grupo ng kabataan malapit sa kanilang bahay sa Pandacan, Manila kahapon ng madaling-araw. Tinamaan ng bala sa kanang tagiliran si Melvin habang sa kanang braso naman nasugatan si Dandreb. Nagsitakas ang nag-aaway na mga grupo nang malaman nilang may tinamaan. (Doris Franche)
Mag-ina sinadista?
Isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang inaresto ng pulisya matapos ireklamo ng pambubugbog umano sa kanyang maybahay at anak sa Quezon City kahapon ng umaga. Nakapiit ngayon sa Kamuning Police Station si Noelito Pascual, 43, ng Brgy. Piñahan, Quezon City, matapos ipaaresto ng asawa niyang si Cecilia, 35 at anak na ikinubli sa pangalang Eva, 15. Sinasabi ni Cecilia na madalas siyang saktan ng suspek at kamakalawa ay sinakal umano siya nito. Kapag may konting problema ay sinasaktan silang mag-ina. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended