^

Metro

Kampanya vs TB pinagtibay ng DOH

-
Mas pinaigting ng Department of Health (DOH) ang kampanya laban sa sakit na tuberculosis (TB) bunsod ng panganib sa posibleng paglobo ng kaso nito sa bansa dahil na rin sa hindi sapat na pangangalaga sa naturang sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pinaghahandaan na nila ang mas malakas na kampanya kontra TB sa pamamagitan ng Directly-Observed Treatment Short-Course (DOTS) kaya hindi na umano nila hihintayin pang umabot ang kaso sa multi-drug assistant (MDR).

Kailangan din umano nilang ipaunawa sa mga pasyente na kailangan nilang uminom ng gamot nang tuluy-tuloy at walang mintis dahil ito umano ang isa sa mabisang paraan upang labanan ang TB.

Upang malabanan umano ang TB lalo na ang MDR-TB, kailangang mahigpit na ipatupad ng bansa ang DOTS strategy at siguruhing ginagawa ito ng pasyente.

Base pa sa mga eksperto, ang MDR-TB patients ay maaaring gamutin sa ilalim ng DOTS Plus Project gamit ang second line anti-TB drugs na binubuo ng 4 hanggang 5 gamot mula 18 hanggang 24 buwan at min san ay humahaba pa hanggang 32 months na tulad ng DOTS ay maaaring ibigay nang libre. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTLY-OBSERVED TREATMENT SHORT-COURSE

DOTS

GEMMA AMARGO-GARCIA

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

KAILANGAN

PLUS PROJECT

UMANO

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with