MPD nakaalerto kay Satur
March 24, 2007 | 12:00am
Hangga’t nakadetine sa Manila Police District (MPD) si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo mananatiling nakaalerto ang kapulisan.
Ito ang binigyang diin ni MPD director Chief Supt. Danilo Abarzosa kaugnay sa patuloy na kilos-protesta nga ng mga militanteng grupo na sumusuporta kay Ocampo na hanggang ngayon ay nakapiit sa MPD-CIDU kaugnay sa kasong multiple murder na kinakaharap nito.
Samantala, apektado at napeperwisyo na ang mga pasyente sa Manila Medical Center dahil sa patuloy na isinasagawang kilos protesta ng mga cause oriented group para suportahan si Ocampo.
Dahil dito, napilitang ilipat ng pamunuan ng pagamutan ang ilan nilang pasyente malapit sa Emergency Room ng pagamutan dahil nga sa ginaganap na kilos-protesta ng mga militante.
Ayon sa ilang staff ng pagamutan nabubulabog at naiingayan ang mga pasyente dito dahil kahit na sa mga alanganing oras ay nagpoprograma ang grupo.
Binigyang diin ni Abarzosa, na ilalatag nila ang lahat ng seguridad dahil na rin nga sa inaasahang pagdagsa ng cause oriented group matapos na maantala ang itinakdang oral argument kahapon hinggil sa kaso ng naturang representante. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended