Not guilty plea ipinasok ng Makati RTC sa Leviste murder case
March 22, 2007 | 12:00am
Not guilty plea ang ipinasok ng Makati Re gional Trial Court (RTC) para kay dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste sa kaso nitong pagpatay sa matalik na kaibigang si Rafael de las Alas kahapon ng umaga.
Mismong si Makati RTC branch 150 Judge Elmo Alameda na ang nagpasok ng plea para kay Leviste matapos itong hindi magbigay ng plea sa kinasasangkutang kaso.
Inamin ni Leviste na napaslang niya si delas Alas subalit ito naman anya ay nagawa niya para ipagtanggol ang sarili o self-defense.
Si delas Alas, 68 ay natagpuang patay noong Enero 12 sa loob ng opisina ni Leviste sa 9th floor ng LPL Tower sa Legaspi Village, Makati City . May 42 -taon na siyang naglilingkod sa dating gobernador
Noong Marso 14, inisnab ni Judge Alameda ang mosyon ni Leviste na maipagpaliban ang pagbasa ng sakdal dito.
Hindi rin ininda ng korte ang pahayag ng abogado ni Leviste na si Atty. Manuel Singson na ang arraignment kay Leviste ay makakaapekto sa kanilang petisyon sa Court of Appeals (CA) na kumukuwestyon kung bakit naitaas sa murder ang kaso ng dating gobernador mula sa dating kasong homicide. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended