Parak timbog sa shabu

Arestado ng Manila Police District (MPD)ang isang pulis matapos na mahulihan ng shabu sa Quiapo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa MPD-Station 8 si PO1 Richard Buyco ng Intelligence Group sa Camp Crame matapos na maaresto nila Supt. Enrico Atienza, deputy station commander ng Police Station 8 habang nagsasagawa ng pagpapatrulya sa nabanggit na lugar dakong alas-2 ng madaling-araw.

Nabatid na aksidente lamang ang pagkakaaresto sa suspect mata pos itong sitahin habang sakay sa motorsiklo sa naturang lugar. Kinapkapan umano ang suspect at doon nakuha ang hindi pa malamang gramo ng shabu sa kanyang bulsa.

Subalit ayon kay Buyco, nagsasagawa siya ng surveillance sa lugar at hindi siya pusher. (Doris Franche)

Show comments