^

Metro

P3-M ransom sa dinukot na utol ng beauty queen

- Doris Franche-Borja -
Lalo pang lumalalim ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkawala ng bunsong kapatid ng aktres at beauty queen na si Rochelle Barrameda-Labarda matapos na makatanggap umano ng text message mula sa mga kidnappers ang pamilya nito kung saan humihingi ang mga kidnappers ng P3 milyon ransom.

Ayon kay Rochelle, agad niyang ipinagbigay alam sa NBI ang kanyang natanggap na text message mula sa pinaniniwalaang mga kidnaper ng kanyang kapatid na si Rubyrose Barrameda Jimenez .

Sinabi ni Rochelle na isang linggo nang nawawala ang kanyang kapatid at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila maisip kung ito ay dinukot, biktima ng carnapping o pinagtripan.

Ipinaliwanag naman ni Assistant Regional Director (ARD) Vicente de Guzman III, chief ng Special Action Unit (SAU), na bagama’t nakatutok sila sa motibo ng kidnap-for-ransom, hindi naman nila inaalis na isa lamang itong diversionary tactic ng ilang tao na nasa likod mismo ng pagkawala ni Rubyrose.

Aniya, nakakatanggap din ang pamilya ng text messages na nakikita nila sa iba’t ibang lugar si Rubyrose subalit hindi naman nila ito maaring ibunyag.

Lumilitaw na si Rubyrose ay nagdeposito ng pera sa IBank Muntinlupa branch at sumakay ng kanyang sasakyan na may plakang TNS-715 subalit hindi na umuwi pa sa bahay ng kanyang magulang sa no. 7 San Marco Extension Moonwalk Village, Las Piñas City.

Sa bahay ng kanyang magulang umuuwi si Rubyrose matapos na ito ay magkaroon ng alitan sa kanyang asawa na si Emmanuel Jimenez III bunga ng pananakit ng huli sa una.

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR

EMMANUEL JIMENEZ

KANYANG

LAS PI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROCHELLE BARRAMEDA-LABARDA

RUBYROSE

RUBYROSE BARRAMEDA JIMENEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with