Ang nasabing proyekto na tinawag na Libreng Bakuna kontra Measles, Mumps and Rubela (MMR)at ito ay ipagkakaloob sa mahigit na 50,000 grade one students na magmumula sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa alkalde, sa tuwing sasapit ang tag-init ang kaso ng MMR ay tumataas at ang karamihan sa dinadapuan nito ay ang mga batang may 7- taong gulang.
"Ang kalusugan pa rin ang pangunahing binibigyan ng prayoridad ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng Buhayin ang Maynila Program. Habang isinasagawa natin ang tuluy-tuloy na pagbabago ng Maynila, kasabay na rin nating pinangangalagaan ang kalusugan ng ating mga residente," wika ni Mayor Atienza.
Sinabi pa ng alkalde na bunga ng kahirapan na dinaranas ng mga tao, ito ang nagbunsod sa Atienza administration na lalo pang palakasin ang kakayahan nito upang mapalawak ang pagbibigay ng serbisyo sa mga Manileño. Ang anti-MMR vaccination sa mga pribadong klinika ay nagkakahalaga ng mula P600.00 hanggang P1,500.00
Sinabi naman ni Manila Inner-City Development Chairman Ali Atienza na ang mga kabataang Manileño ay maaaring matuto at makapaglaro kung sila ay nasa maayos nakondisyon. "Huwag nating ipagkait ang kanilang pagiging aktibo at masayahin sa panahon ng kanilang kabataan," ayon pa sa batang Atienza.
Noong nakalipas na taon, ang pamahalaang lungsod ay namahagi na rin ng libreng anti-flu vaccines para sa mga nakatatandang Manileño sa anim na distrito ng Maynila, kauna-unahan sa mga LGUs. (Gemma Amargo-Garcia)