^

Metro

9 nalason sa tulingan

-
Siyam na katao na pawang mga sapatero ang isinugod sa pagamutan matapos kumain ng ginataang tulingan sa isang karinderya, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Ang mga biktima na patuloy na inoobserbahan sa St. Vincent Hospital ay nakilalang sina Rogelio Nato, 20; Gleen Padrones, 18; Virgilio Abante, 29; Alvin Pedrigal, 18; Rafaelino Nato, 29; Norbin Llegue 18; Veronica Trono, 60; Arthur Balagtas, 36; at Fanny Serrano, 60, pawang mga trabahador ng isang pabrika ng sapatos na pawang residente ng Tanguile st, Champaca Brgy. Marikina Heights ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang magkayayaang kumain ng tanghalian ang mga biktima sa isang malapit na karinderya sa nasabing lugar at dito kumain ng ginataang tulingan.

Nabatid na hindi pa nakakatapos kumain ang mga biktima nang makaramdam ang mga ito ng pagkahilo, ang iba ay nagsuka samantalang nahirapan namang huminga ang iba pa. Dahil dito agad na tumawag ang mga residente ng lugar sa Marikina Rescue Team na maagap namang nakarating sa lugar at isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima upang magamot.

Napag-alaman namang matapos mabigyan ng paunang lunas at dextrose ay pinauwi na rin ang ibang biktima. Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing kaso habang pinag-aaralan pa rin ng mga biktima kung magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng karinderya. (Edwin Balasa)

ALVIN PEDRIGAL

ARTHUR BALAGTAS

CHAMPACA BRGY

EDWIN BALASA

FANNY SERRANO

GLEEN PADRONES

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

MARIKINA RESCUE TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with