Sinabi ng pu lisya na naglalakad si Red sa Majaas nang mabangga niya ang trumpo ng isang bata na kamag-anak pala ni Miras. Minura umano ng bata si Red na dahilan para mapikon ang huli at sinampal ang una. Nang magsumbong sa kanila ang bata, kinompronta ng mga suspek si Red, nagkaroon ng mainitang pagtatalo, hanggang sa pagtulungang gulpihin at mapatay ng tatlo ang biktima. (Danilo Garcia)
Napikon sa bata, tinodas
Pinagtulungan umanong bugbugin at saksakin hanggang mapatay ng tatlong magkamag-anak ang isa nilang kapitbahay na pahinante ng trak na si Romeo Red Jr., 27, ng Majaas St., Payatas, Quezon City dahil sa pananampal umano nito sa isang bata sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Isa sa mga suspek na si Alberto Miras Jr., estudyante, ang isinuko sa mga awtoridad ng kanyang amang pulis na si Senior Police Inspector Alberto Miras Sr. Tinutugis pa ng pulisya habang isinusulat ito ang dalawa pang kasabwat ni Miras na sina Cris Monsanto, 22, isa niyang pinsan; at isa pang kamag-anak na may edad na 14 -anyos.