Ayon sa Manila Water Co. Inc. ang naturang hakbang ay ipatutupad bunsod na rin ng naging pagbaba ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) component sa singil sa tubig bunsod na rin ng paglakas ng halaga ng piso .
Dahil dito, nilinaw ng naturang kumpanya na aabutin ng P3 ang mababawas sa bayarin ng water consumers na gumagamit ng 30 cubic meters ng tubig sa isang buwan.
"The reduction is due to the continuing strength of the peso versus other currencies, coupled with proper management of borrowings by the company," ayon sa Manila Water.
Ang Manila Water na isang Ayala -owned utility firm services ay nagseserbisyo sa eastern part ng Metro Manila at ilang lugar sa lalawigan ng Rizal . Ang West Zone naman sa Metro Manila ay seneserbisyuhan ng Maynilad Water. (Angie dela Cruz)