^

Metro

Stalker ni Janno Gibbs kinasuhan

-
Tuluyan nang sinampahan ng kasong grave threats ng kampo ni Janno Gibbs ang 17-anyos na dalagita na nagsabing karelasyon nito at nagpadala umano ng daan-daang mga text messages na nagbabanta na papatayin ang buong pamilya ng mang-aawit.

Isinampa na ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit ang kaso sa City Prosecutor Office laban sa suspect na itinago sa pangalang Thesa. Nabatid na anak umano ito ng may-ari ng isang security agency.

Ito’y matapos na arestuhin ang dalagita kamakalawa ng madaling-araw sa isang entrapment operation matapos na bantaan ang buhay ng pamilya ni Gibbs, kabilang na ang asawa nitong aktres na si Bing Loyzaga at mga anak.

Sa nakalap na impormasyon sa pulisya, umaabot umano sa 50 mensahe bukod pa sa mga tawag sa cellphone ang natatanggap ni Gibbs buhat sa suspect.

Kabilang sa mga text messages ang: "Pasenciahan tau ikaw si bing, ama mo at mga anak mo. Pagsisisihan niyo ni Bing lahat, tandaan mo yan di pa ako tapos, itaga mo sa bato mamumurublema si Bing pati ikaw".

"U ignore me again, ill let sum1 kill ur daughter last chance talk to me sira naulo ko anno wala ka nang dadatnan anak bukas"; "Isa na lang pagsisihan nyo dalawa I will win, I can kill I will pay someone"; at "Il take way your happiness, isa sa mga anak mo ang sagot"; ang ilan sa mga mensahe na umano natanggap ni Gibbs buhat sa dalagita.

Samantala, hinihintay naman ng pulisya ang pagsasampa rin ng kaso ng pamilya ng dalagita laban kay Gibbs dahil umano sa pakikipagrelasyon nito gayung nasa menor-de-edad pa si Thesa. Una nang nagbanta ang pamilya ng dalagita, partikular na ang ina nito na isang abogada ng pagka-counter-charge laban kay Gibbs matapos na aminin ni Thesa na may relasyon sila at hinihinalang nagsiping na. (Danilo Garcia)

BING LOYZAGA

CITY PROSECUTOR OFFICE

DANILO GARCIA

GIBBS

JANNO GIBBS

THESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with