Tatlo sugatan sa sunog dahil sa kandilang gamit sa pot session
March 17, 2007 | 12:00am
Sugatan ang tatlong residente sa isang residential area sa Commonwealth, Quezon City matapos na matupok ang ilang kabahayan buhat sa natumbang kandila na gamit umano ng isang grupo na nagpa-pot session kahapon ng madaling-araw.
Nagtamo ng mga "minor burns" sa katawan ang mga biktimang nakilalang sina Chery Graciano, Escorro Medalla at Oscar Morta, pawang mga residente ng Kasunduan Ext., Freedom Park, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SFO1 Rafael Gallego ng Quezon City Fire District, sumiklab ang apoy dakong alas-4:05 ng madaling-araw kung saan umabot ito sa ikalawang alarma. Nagawa namang maapula ng pamatay-sunog ang apoy dakong alas-4:55 ng madaling-araw.
Nabatid na nagmula ang apoy sa bahay ng isang David Gonzales sa Kasunduan Ext. at nadamay ang tatlo pang katabing bahay bago tuluyang nakontrol ang pagkalat ng apoy.
Sinasabing nagmula umano ang apoy sa isang natumbang kandila sa loob ng naturang bahay. Naputulan umano ng kuryente ang bahay at kandila na lamang ang ginagamit ng may-ari nito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended