^

Metro

Dalaga ginilitan ng dating nobyo

-
Isang 20-anyos na sec retary sa isang Manpower Services ang nasawi makaraang gilitan ng leeg ng kanyang kasintahang kanyang hiniwalayan, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Joy Ann Arqueza, dalaga, secretary sa Saveway Intl., Manpower Services at residente ng 143 Col. Duro St., Pasay City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang "Nomer Ortiz" na tumakas matapos ang insidente na sinasabing boyfriend ng biktima.

Sa report ni Det. William Gondrianos ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa ground floor ng Saveway Intl., Manpower Services sa Gedisco Bldg, 1564 A. Mabini St., corner P. Gil St., Ermita.

Bago naganap ang insidente, nagtungo umano ang suspect sa pinapasukang opisina ng biktima. Dito ay hinintay ng suspect ang biktima at nang makapag-usap ay humantong naman sa mainitang pagtatalo.

Hindi nagustuhan ng suspect ang pakikipagbreak ng biktima kung kaya’t agad na binunot ng suspect ang dalang patalim at walang sabi-sabing nilaslas ang leeg ng biktima at saka mabilis na tumakas matapos ang insidente. (Doris M. Franche)

vuukle comment

DORIS M

DURO ST.

ERMITA

GEDISCO BLDG

GIL ST.

MANPOWER SERVICES

SAVEWAY INTL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with