Life sa drug pusher
March 16, 2007 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court sa isang mister na drug pusher kaugnay ng pagbebenta nito ng ipinagbabawal na droga may apat na taon na ang nakalilipas habang 14-taon naman na pagkabilanggo sa misis nito. Si Ronaldo Bayan ng Novaliches, QC ay napatunayan ni Judge Severino de Castro Jr. na nagkasala sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa 9-pahinang desisyon ng korte, inatasan din siya ng korte na magmulta ng P500,000 bukod sa pagkakulong nito sa National Bilibid Prisons.
Sa rekord ng korte, ang insidente ay naganap sa loob ng bahay ng akusado noong Hulyo 5, 2003 ng hapon. Bago nadakip si Bayan, nakatanggap ng impormasyon ang QC Police District Station 4 kaugnay sa talamak na bentahan ng illegal drugs sa Capri, Novaliches, at ang itinuturong nasa likod nito ay ang akusado. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended