Nobya ng hostage-taker ihahabla
March 16, 2007 | 12:00am
Ipaghaharap ng pulisya ng kasong illegal detention si Delia dela Cruz, ang babaeng kinakasama ng dating tauhan ng Marines at dating stuntman sa pelikula na si Almario Bautista alyas Almario Villegas na nang-hostage ng apat na katao sa loob ng isang korte noong Miyerkules.
Sinabi ng pulisya na, kahit pa ipagpilitan ni dela Cruz na isa rin siyang biktima sa insidente, makakasuhan pa rin siya dahil bahagi siya ng krimen.
Napatay ng pulisya si Villegas habang nagtatangkang tumakas. Nakaligtas ang lahat ng mga bihag.
Pinuna ni Taguig Police Director Supt. Alfred Corpus na tumulong pa si dela Cruz sa pagposas sa mga bihag at hindi man lang niya kinumbinsi ang kanyang asawa na huwag na lamang ituloy ang balak nito.
Bukod dito, dinidiktahan pa umano ni dela Cruz si Villegas sa halaga ng ransom na dapat nilang hingin para sa paglaya ng mga biktima.
Kaugnay nito, nananatili namang suspindido ang operasyon ng hall of justice kahapon batay sa utos ng Korte Suprema. (Angie dela Cruz)>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended