^

Metro

Stalker ni Janno Gibbs timbog!

-
Isang umano’y stalker ng singer-komedyanteng si Janno Gibbs ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa isang entrapment operation kahapon ng madaling-araw.

Pansamantalang pinangalanang "Thesa" ang 17-anyos na suspek na ipinaaresto ng mag-asawang Janno at Bing Loyzaga dahil sa umano’y pagpapadala niya ng death threat sa mang-aawit sa pamamagitan ng text messages sa cellphone.

Sinasabi ni Loyzaga na nagsimula noong nakaraang buwan ang pagpapadala umano ni Thesa ng mga text messages sa kanyang mister.

Sa loob lang ng isang buwan ay umabot na sa 87 ang bilang ng mga text messages ng suspek sa kanyang asawa.

Nangamba si Loyzaga sa pagiging desperada ng dalagita nang magpadala na ito ng mga mensaheng nagbabanta sa kaligtasan niya at ng kanyang anak.

Dahil dito, nagpatulong si Gibbs sa pulisya na siya namang nagsagawa ng entrapment operation para madakip ang suspek.

Idiniin naman ni Thesa sa loob ng presinto na may relasyon umano sila ni Janno pero hindi siya ang nagpapadala ng mga death threat sa singer.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso habang isinusulat ito bagaman inihahanda na ang pagsasampa ng kasong grave threat laban sa suspek.

Sinasabi naman ni Thesa na kaibigan niya si Janno at wala siyang planong sirain ang pamilya nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BING LOYZAGA

DANILO GARCIA

JANNO

JANNO GIBBS

LOYZAGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

THESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with