Maglola natusta sa sunog
March 15, 2007 | 12:00am
Isang lola at apo nito ang iniulat na nasawi matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay kahapon ng tanghali sa Sampaloc, Maynila.
Halos hindi na makilala ang bangkay ng mga biktimang sina Geniviva Sagul, 80 at apo nitong si Mary Grace Camarote, 23, ng 700 T. Anzures St., Sampaloc, Maynila dahil sa matinding pagkasunog.
Ayon sa report ni SFO2 Emmanuel Gasper ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-12:30 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa bahay ng maglola.
Sinabi ng saksi na si Bonifacio Lipata, 40, bago ang sunog isang malakas na pagsabog ang narinig sa bahay ng mga biktima kasunod na pagliliyab nito.
Tinangka pa ng ilang mga residente na iligtas ang maglola subalit hindi na sila nakapasok dahil sa malakas na apoy. Umabot sa 5th alarm ang sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil ang bahay ng mga biktima ay gawa sa light materials. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended