^

Metro

Ambush: 1 patay, 2 sugatan

-
Patay ang isang ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang sugatan naman ang kakandidatong alkalde sa lalawigan ng Abra at isa pang bodyguard nito matapos na pagbabarilin ng isa sa tatlong suspect habang kumakain sa ibaba ng gusaling pagmamay-ari ni Senatorial Candidate Luis "Chavit " Sing son, kahapon ng tanghali sa San Andres Bukid, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Ricardo Elveña, 50, residente ng No. 23 Bago Bantay, Quezon City matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa ulo, habang ginagamot naman ang kapatid nitong si Romeo, 46 sa nasabi ding ospital. Inilipat naman at ginagamot sa Chinese General Hospital si William Raymundo, na kakandidatong mayor sa Abra.

Ayon kay Chief Insp. Estrella, hepe ng Mobile Division ng MPD, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali habang kumakain ang mga biktima sa Itcho Pares sa ibaba ng gusali ni Singson sa panulukan ng Diamante at San Andres Sts., San Andres Bukid, Maynila.

Sa pahayag naman ni Rosal Elveña, 48, kapatid ni Ricardo, kasalukuyan silang kumakain nang biglang dumating ang isang motorsiklo at lulan ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki.

Isa sa mga suspect na nakabarong ang bumaba ng motorsiklo at bigla na lamang pinaputukan si Raymundo at ang magkapatid na Elveña. Mabilis namang nakatakbo at nakapagtago si Rosal.

Sinabi ni Rosal na wala naman silang alam na kaaway ng kanyang mga kapatid o maging ni Raymundo maliban sa ito ay tatakbong alkalde sa Abra. Hindi naman namukhaan ni Rosal ang bumaril na suspect dahil na rin sa bilis ng pangyayari.

Lumilitaw na kaluluwas pa lamang ng mga biktima sa Maynila kung saan nagkaroon pa ito ng pakikipagtipon kamakalawa kay Ilocos Sur Governor Singson. (Doris Franche)

vuukle comment

ABRA

BAGO BANTAY

CHIEF INSP

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DORIS FRANCHE

ILOCOS SUR GOVERNOR SINGSON

ITCHO PARES

MAYNILA

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with