Sundalo pumatay ng misis, nag-suicide
March 13, 2007 | 12:00am
Selos umano ang naging dahilan upang patayin ng isang sundalo ng Philippine Air Force (PAF) ang kanyang asawa bago nagbaril din sa sarili sa loob ng kanilang tirahan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Kapwa duguang nakahandusay padapa sa kanilang kama sina S/Sgt. Wilfredo Capati, 41, nakatalaga sa 600th Air Base Wing sa Clark Air Base, Pampanga at asawang si Regina, 35, nang matagpuan ng kapatid ng ginang na si Richard Reyes, 29, sa loob ng kanilang silid sa P3-11 Manlunas St., Villamor Air Pasay City.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.
Sugatan din matapos mahagip ng ligaw na bala sa dibdib ang kasambahay ng mag-asawa na si Jenelyn Purawan, 23, na nagkataong nakatayo sa harapan ng pintuan ng silid ng mag-asawa nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Sa imbestigasyon nina PO3 Leo Labrador at Reynalo Aguba, may hawak ng kaso, nairita at nilayasan ng ginang ang asawang sundalo dahil sa umano’y napapadalas nilang pagtatalo kaugnay sa pagseselos ng lalaki.
Makaraan ang tatlong araw na paglalayas, nagpasyang magpasama ang ginang sa kanyang kapatid na si Richard para bumalik sa kanilang tirahan kung saan dinatnan nila sa loob ng bahay ang sundalo.
Hinayaan umano ni Richard na mag-usap ng masinsinan sa loob ng kanilang silid ang mag-asawa hanggang sa marinig na lamang ng kanilang kasambahay ang sunud-sunod na putok ng baril makaraan ang isang oras na pag-uusap ng dalawa.
Tinangka pang isugod ni Richard sa San Juan De Dios Hospital ang kapatid at bayaw subalit hindi na umabot nang buhay.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib at isa sa panga ang ginang, habang isang tama naman sa kanang bahagi ng panga ang sundalo. (Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended