GMA ipinagtanggol ni Belgica sa oil depot

Ipinagtanggol kaha- pon ni dating 6th district Councilor Grepor "Butch" Belgica si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa patuloy na pagbubunton ng sisi ni Manila Mayor Lito Atienza sa Pangulo kung bakit umano hindi naipatupad ng City Government of Manila ang ordinansa na nagtatakda sa pagpapaalis sa imbakan ng tatlong dambuhalang kompanya ng langis na kinabibilangan ng Petron, Shell at Caltex.

Ayon kay Belgica, na ngayon ay kandidato bilang Bise-Alkalde sa ilalim ng kandidatura ni Mayoralty candidate Congressman Rudy Bacani, marapat umanong itigil na ni Atienza ang paninisi sa Pangulo dahil ang alkalde umano ang nagkulang sa kanyang tungkulin upang ipatupad ang Ordinance 8027 na nagpapalayas sa mga oil depot sa lunsod.

Kung hindi umano pinayagan ng alkalde ang konseho na maipasa ang Memorandum of Understanding ng mga kumpanya ng langis, Department of Eneregy at ng pamahalaang_-lunsod na agad din niyang nilagdaan anim na buwan bago ipasa ang nasabing ordinansa, hindi sana umano nabimbin ang pagpapaalis sa oil depots sa Pandacan, Maynila. (Gemma Garcia)

Show comments