Kasong direct assault ang isinampa laban kay Robert Endique ,29, na nagpakilalang empleyado ng US Embassy at residente ng 11-C Symphony St., Las Pinas City.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Pasay City General Hospital si Ire-nero Serafico, 49, ng no. 429 Interior, EDSA, at traffic enforcer ng Pasay City Traffic Parking Bureau makaraang mabalian ng buto sa kamay at masugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat ng Criminal Investigation Divi-sion ng Pasay City Po- lice, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Rotonda, Pasay City.
Nabatid na nagmamando ng daloy ng trapiko ang biktima nang mamataan ang isang light green Revo na may plakang ZDS-205 at minamaneho ng suspek na tumatawid pa rin sa Taft Avenue sa Rotonda, Pasay sa kabila ng naka-stop light na.
Sinita umano ng biktima ang suspect at hiningan ng lisensiya subalit sa halip na sumunod ay itinulak ng huli ang una bago mabilis na pinaharurot ang kanyang minamanehong sasakyan patungo sa North bound lane.
Hinabol ng biktima sa pamamagitan ng motorsiklo ang huli ngunit pagsapit sa may EDSA, Malibay ay huminto muli ang suspect at itinulak ang pin-to ng kanyang sasakyan dahilan upang tumilapon ang biktima.
Nang tumilapon ang traffic enforcer, binuhat siya at itinaktak ng suspect na parang isang sakong bigas.
Ginulpi pa umano ng suspect ang biktima bago naawat ng ibang motorista.