^

Metro

Bahay ng fishing magnate sinalakay

- Edwin Balasa -
Iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril na pawang walang lisensya ang nasamsam ng mga tauhan ng Criminal Investigation Group-Detective Special Operation Unit (CIDG-DSOD) matapos na pasukin ng mga ito ang bahay ng isang fishing magnate na nakabase sa Cebu, kamakalawa ng hapon sa isang subdibisyon sa Pasig City.

Ayon kay Sr. Supt. Edgardo Ladao, hepe ng CIDG-DSOD, dakong alas-2:30 nang hapon ng kanilang pasukin ang inuupahang condominium ni Ryan Rivera Chua, isang kilalang fishing magnate sa Lahug Cebu, sa 2104 Horizon Condominium na matatag puan sa Brgy. San Antonio, Meralco Avenue ng lungsod na ito.

Ito ay kasalukuyang pinaghahanap ng batas matapos sampahan ng kasong Illegal Possesion of firearms at Omnibus Election Code.

Nakuha sa nasabing raid ang tig-isang piraso ng M-16 auto riffle, cal. 357 revolver, .45 colt pistol, cal 380 machine pistol cal 22 folded riffle, FAL jet auto rifle, .45 kalibre ng gold glock pistol, mini UZI machine pistol, 12 gauge shotgun na pawang walang mga kaukulang lisensya.

Dagdag pa ni Ladao na isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kanila na nag-iimbak ng napakaraming baril si Chua sa kanyang inuupahang bahay kaya agad silang umaksyon.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Felixberto Olalia Jr., acting Executive Judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) na pinirmahan nito noong Pebrero 28, 2007.

Halos siyam na araw na naghintay ang mga operatiba ng CIDG at nagpabalik-balik sa bahay ni Chua upang i-serve ang search warrant subalit hindi ito dumadating doon kaya napilitan na silang pasukin ito kamakalawa.

CHUA

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP-DETECTIVE SPECIAL OPERATION UNIT

EDGARDO LADAO

EXECUTIVE JUDGE

HORIZON CONDOMINIUM

ILLEGAL POSSESION

JUDGE FELIXBERTO OLALIA JR.

LAHUG CEBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with