Ginang lasog sa truck
March 10, 2007 | 12:00am
Sabog ang utak at nagkalasug-lasog ang buong katawan ng isang street sweeper na ginang matapos na maatrasan ng isang delivery truck na puno ng plywood nang mawalan ng kontrol habang papanhik sa matarik na kalsada at dumaosdos pababa sa una sa lungsod ng Valenzuela, kahapon ng umaga.
Ang biktima na inabutan pa ng pamunuan ng Valenzuela Traffic Management Unit na nakaipit sa pagitan ng malaking bato at Mitsubishi Canter (XCZ-596) ay kinilalang si Celma Magcayang, 39.
Agad namang naaresto ng awtoridad ang driver ng trak na si Alexander Bulan, 30, ng Quezon City.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:35 ng umaga ng maganap ang trahedya habang naglilinis ng kalye ang biktima sa may L. San Diego Canumay, Valenzuela City.
Kasalukuyan namang bumibiyahe sa lugar ang trak na minamaneho ni Bulan na patungo sana sa Marilao para ideliber ang mahigit sa 621 piraso ng plywood at pagsapit sa matarik na kalsada ay bigla itong tumirik hanggang sa tuluyang umatras pababa. Sinasabing sa bilis na pag-atras ng truck ay hindi napuna ni Magcayang ang pagdating nito hanggang sa masapol at maipit ng grabe sa pagitan ng pader at truck na siyang agad na ikinasawi nito. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended