^

Metro

2 doktor ni Leviste pinako-contempt

-
Hiniling kahapon ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court na sampahan ng contempt ang doktor ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste dahil sa pagtanggi nitong magbigay ng discharge order para maibalik sa kulungan ang kanyang kliyente.

Sa 3-pahinang mosyon ni State Prosecutor Emmanuel Velasco sa Makati-RTC branch 150, hiniling nitong i-contempt sina Leviste pati ang 2 doktor nito na sina Reynato Kasilag at Ramon Luis Liboro dahil sa pagtangging magbigay ang mga ito ng discharge order para maibalik sa selda sa Makati City Jail ang dating gobernador na kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay nito sa kanyang matalik na kaibigang si Rafael Delas Alas.

Iniutos ng korte nitong Marso 6 na dapat ibalik sa selda si Leviste subalit hindi ito sinunod ng kan yang mga doctor at nakipagsabwatan ang mga ito sa dating gobernador para manatili sa ospital at makaiwas makulong.

Iginiit din ni Prosecutor Velasco sa korte na dapat agarang ikulong sa kanyang selda si Leviste.

Ipinaliwanag pa ng State prosecutor, malinaw na kahit inako ng akusado ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan ay ayaw nitong makulong at nais ay bigyan siya ng VIP treatment.

Inakala din ng korte na naibalik na sa selda si Leviste noong Huwebes dahil na rin sa impormas yon ipinabatid ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) subalit hindi naman ito naibalik sa kulungan dahil sa pagtanggi ng mga doktor nito na mag-isyu ng discharge order sa kanilang pasyente.

Magugunita na hiniling din ng DOJ sa Court of Appeals na ibasura ang petisyon ni Leviste na kumukuwestyon sa upgrading ng kaso nito mula homicide ay naging murder. (Rudy Andal At Angie Dela Cruz)

ANTONIO LEVISTE

BATANGAS GOV

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

LEVISTE

MAKATI CITY JAIL

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

PROSECUTOR VELASCO

RAFAEL DELAS ALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with